ANG LIHAM

NI

Dr. JOSE RIZAL

SA MGA

KADALAGAHAN

SA MALOLOS, BULAKAN

Febrero, 1889
Epistorario Rizalino
Vol.II p.122

Europa
Pebrero 1889


SA MGA KABABAYANG DALAGA SA MALOLOS:


Nang aking sulatin ang Noli Me Tangere, tinanong kong laon, kung angpusuang dalaga'y karaniwan kaya diyan sa ating bayan. Matay ko mangsinaliksik yaring alaala; matay ko mang pinagisa-ngisa ang lahat ñgdalagang makilala sapul sa pagkabatá, ay mañgisa-ñgisa lamang angsumaguing larawang aking ninanasá. Tunay at labis ang matamis naloob, ang magandang ugalí, ang binibining anyó, ang mahinhing asal;ñgunit ang lahat na ito'y laguing nahahaluan ñg lubos na pagsuyó atpagsunod sa balang sabi ó hiling nang nagñgañgalang amang kalulua(tila baga ang kaluluwa'y may iba pang ama sa Dios,) dala ñg malabisna kabaitan, kababaan ñg loob ó kamangmañgan kayá: anaki'y mga lantanghalaman, sibul at laki sa dilim; mamulaklak ma'y walang bañgo,magbuñga ma'y walang katas.

Ñguní at ñgayong dumating ang balitang sa inyong bayang Malolos,napagkilala kong ako'y namalí, at ang tuá ko'y labis. Dí sukat akosisihin, dí ko kilala ang Malolos, ni ang mga dalaga, Páhiná 2liban sa isangEmilia, at ito pa'y sa ñgalan lamang.

Ñgayong tumugon kayo sa uhaw naming sigaw ñg ikagagaling ñg bayan;ñgayong nagpakita kayo ñg mabuting halimbawa sa kapuá dalagangnagnanasang paris ninyong mamulat ang mata at mahañgo sa pagkalugamí,sumisigla ang aming pag-asa, inaaglahì ang sakuná, sa pagka at kayo'ykatulong na namin, panatag ang loob sapagtatagumpay. Ang babaingtagalog ay di na payukó at luhod, buhay na ang pagasa sa panahongsasapit; walá na ang inang katulong sa pagbulag sa anak na palalakhinsa alipustá at pagayop. Di na unang karunuñgan ang patuñgó ñg ulo sabalang maling utos, dakilang kabaitan ang ñgisi sa pagmura, masayangpangaliw ang mababang luhá. Napagkilala din ninyo na ang utos ñg Diosay iba sa utos ñg Parí, na ang kabanalan ay hindi ang matagal naluhod, mahabang dasal, malalaking kuentas, libaguing kalmin, kundí angmabuting asal, malinis na loob at matuid na isip. Napagkilala dinninyo na dí kabaitan ang pagkamasunurin sa ano mang pita at hiling ñgnagdidiosdiosan, kundi ang pagsunod sa katampata't matuid, sapagka'tang bulag na pagsunod ay siyang pinagmumulan ñg likong paguutos, at sabagay na ito'y pawang nagkakasala. Dí masasabi ñg punó ó parí na silalamang ang mananagot ñg maling utos; binigyan ñg Dios ang bawat isa ñgsariling isip at sariling loob, upang ding mapagkilala ang likó attapat; paraparang inianak ñg walang tanikalá, kundí malayá, at saloob at kalulua'y walang Páhiná 3makasusupil, bakit kayá ipaaalipin mo sa ibaang marañgal at malayang pagiisip? Duag at malí ang akalá na ang bulagna pagsunod ay kabanalan, at kapalaluan ang mag isipisip at magnilaynilay. Ang kamangmañgan'y, kamangmañgan at dí kabaita't puri. Dihiling ñg Dios, punó ñg kataruñgan, na ang taong larawan niya'y paulolat pabulag; ang hiyas ñgisip, na ipinalamuti sa atin, paningniñgin atgamitin. Halimbawá baga ang isang amang nagbigay sa bawat isang anakñg kanikanyang tanglaw sa paglakad sa dilim. Paniñgasin nila angliwanag ñg ilaw, alag

...

BU KİTABI OKUMAK İÇİN ÜYE OLUN VEYA GİRİŞ YAPIN!


Sitemize Üyelik ÜCRETSİZDİR!