Imprenta at Libreria ni J. Martinez

Cover

BÚHAY NA PINAGDAANAN

NI

Juan Tamad

NA ANAC NI

FABIO AT NI SOFIA.

SA CAHARIAN NANG PORTUGAL,

NA HINANG̃O SA NOVELA.

Decorative motif

MAYNILA, 1920.

IMPRENTA, LIBRERIA AT PAPELERIA
NI

J. MARTINEZ

P. Moraga 31-36, Tel. 5005 P. Calderón 108, Cabildo 253 Intramuros.-Tel. 3283.

Decorative motif

BÚHAY NA PINAGDAANAN

NI

Juan Tamad

NA ANAC NI

FABIO AT NI SOFIA

SA CAHARIAN NANG PORTUGAL,

NA HINANG̃O SA NOVELA.

Oh serenísimang maauaing Iná
sa tauong cristiano na iyong oveja,
sa lupa at Lang̃it ng̃alan mo ay siyáng
tinatauag namin sa toui toui na.
Icao po ang Torre at cabán ng̃ tipán
Iná nang sumacop sa sala nang tanan,
cami pong inapó ni Eva,t, ni Adán
sa lubós mong aua cami,i, nananaban.
Ituto mo rin po Ináng mapagpala
masayod na lahat yaring ninanasa,
mapuról cong isip capós na acala
matutuhan co rin ang isasalita.
Páhiná 4
Mang̃a camahalang napapauang nobles
may sinimpang dunong at tahó sa leyes,
manipis cong alam at salát na isip
nangahás cahima,t, di talastas batid.
Lumalacad aco,i, piquít ang capara
ang landás na daa,i, hindi tanto,t, taya,
pang̃ahás cong isip doon umaasa
sa pa-honrang ling̃ap nang mg̃a bihasa.
Pinagsisiyá na nang bait co,t, isip
lathala nang verso,i, ayos sa matouid,
sa mang̃a bihasa,i, culang din at lihis
anyayang pa-honra ay inihihibic.
Pinupuring tunay niring sumusuyo
ang mang̃ag anyayang maling̃aping puso,
cahit di dalisay sa lustre,i, malabo
ay paparahin nang brillante at guintó.
Gayon din sa hindi,t, aayao luming̃ap
yaring si I.A. nag papasalamat,
itong ninanasang ibig na matatap
ay búhay nang isang sa novela,
...

BU KİTABI OKUMAK İÇİN ÜYE OLUN VEYA GİRİŞ YAPIN!


Sitemize Üyelik ÜCRETSİZDİR!